PSA

ePhilID maaari ng i-download sa Disyembre

217 Views

Target ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ilungsad sa Disyembre ang ePhilID—ang digital version ng national ID na maaaring i-download.

Ayon kay PhilSys Registry Office officer-in-charge Fred Sollesta ang ePhilID ay maaaring gamitin habang wala pa ang pisikal na national ID.

Sinabi naman ni Solestas na ang makakapag-download lamang ay ang mga nagparehistro para sa national ID na naglagay ng kanilang cellphone number.

Para mai-download ang ePhilID ay kakailanganin umano ang one-time password na ipadadala sa cellphone number na inilagay ng magparehistro para sa national ID.

Nasa 75.1 milyong Pilipino na umano ang nakatapos sa step two ng Philippine Identification System o 81.6 porsyento ng 92 milyong target ng PSA.