Doc-Ted-Herbosa

Epidemic, Pandemic at Endemic: Tapos na ba ang pandemya?

Dr. Ted Herbosa Mar 14, 2022
320 Views

KAMAKAILAN ay nalagay na ang marami probinsiya at lungsod sa Alert Level 1. Ito na ang pina mababang antas ng Alert Level System na ating naranasan mula pa noong nag umpisa ang pandemya.

Marami ng hindi bawal at ang ating mamamayan ay ngayon nakakapag hanapbuhay at naka kalabas ng bahay para kumita at manumbalik ang dati nating pamumuhay bago nag umpisa ang kalbartyo ng pandemya. Marami ang nawalan ng trabaho. Marami ang nagutom. Marami din ang namatayan ng mga mahal sa buhay. Dahil dito, lahat tayo ay nag nananasa na matapos na ang pandemya.

Paano ba talaga natatapos ang isang pandemiya? Maraming landas tungo dito. At napakahalaga na ang mga susunod na mamumuno sa ating bansa ay alam ang mga bagay bagay na ukol dito. Ang magadang katapusan ng pandemiya at ang biglaang paglaho ng virus na ito. Ito ay natatawag na elimination o eliminasyon. Ang eliminasyon ng sakit o pag-aalis ng sakit ay may kaugnayan sa isang bansa o rehiyon, at karaniwang tinukoy bilang kawalan ng patuloy na hawahan (endemic transmission). Pag-aalis ng karaniwang ubo sa konteksto ng isang pandaigdigang layunin ng pagtanggal o sa ingles eradication. Ang World Health Organisation (WHO) ay nagtatakda ng mithiin para sa pagtigil ng mga nakakahawang sakit, at ang mga bansa ay gumaganap ng kanilang bahagi sa pamamagitan ng unang pagkamit ng malawak na pag-aalis ng bansa. Nakita na natin itong nangyari sa kasaysayan noong nawala ang small pox, isang sakit na nakakahawa at nakakamatay sa marami ng maimbento ang bakuna para dito. Ito ay muli na ting na saksihan noong ma eradicate nating ang Polio sa tulong ng mga pamahalaan kasami ng Rotary International na ginawa itong pryekto noong dekada 90 na nakaraan.

Kapag ang isang nakakahawang sakit ay hindi na eliminate sa mababang antas o na-eradicate sa zero cases ang sakit ay mananatili kasama ng mga tao at dito na natin matatawag ang isang sakit na endemic. Ang isang nakakahawa sakit na nangyayari madalas sa isang tiyak na heograpiya lokal ay tinatawag ng mga doktor na isang sakit na “endemic”. Ang sakit ay kadalasang nangyayari sa isang panahon o seasonal. Ang trangkaso o influenza ay isang halimbawa ng sakit na endemic. Ganoon din ang sakit na Dengue Fever. Karamihan ng mga nakakahawang sakit sa Pilipinas na isang tropikal na bansa ay endemic: measles, chicken pox, cholera, typhoid, TB, malaria at marami pang iba. May mga panahon na ito ay biglang dumdami kung minsan ay sa isang lugar lamang. Yan ang tinatawag namin na seasonal peaks o panahan ng sakit na ito. Alam natin na pag pagkatapos ng tag-ulan ay biglang dumadami ang nagkaka dengue sa ating bansa. Ito na natagurian na dengue season.

Kailan mo naman masasabing may isang “epidemic” o epidemya. Ang epidemic na sakit ay dulot ng biglaang pagtaas sa dami ng mga may ng isang sakit sa isang tiyak na populasyon o lugar, karaniwang may isang kapaligiran sanhi, tulad ng isang nakakahawang virus o mikrobyo.

Kailan naman tinatawag na pandemiya na ang isang epidemic? Ang pandemiya ay ang pandaigdigang pagkalat ng isang bagong o dating sakit, tulad ng isang bagong virus ng trangkaso o gaya ng coronavirus na nagiging sanhi ng COVID-19.

Matapos ng dalawang taong pag buno na maraming bansa sa COVID-19 ano na ang palagay ninyong mangyayari. Ma eliminate ba ang COVID-19? Mag tuloy tuloy ba ang pag dami nag nagkakasakit sa COVID-19? Magigi bang endemic itong COVID-19?

Sa aking pananaw ang Omicron variant ng SAR COV2 na sanhi ng Covid 19 ay magiging isang endemic na sakit na nakahawa ay may seasonal o panahon na may outbreak or epidemic sa iba’t ibang mga lugar. Dapat na tayong matuto na mabuhay kasama ng sakit na COVID-19. Sa aking palagay ay malapit ng ideklara ng WHO na ang sakit na ito ay gaya na ng trangkaso o karaniwang ubo na dapat nating pag ingatan. Oo, malapit na sa aking palagay matapos ang pandemiya. Ngunit hindi dapat tayo mag walang bahala at ating pa ring siguruhin na mayroon tayong nakuha na bakuna laban dito at mag pa booster sa tamang panahan.

Matatapos din itong COVID-19 pandemic. Sa wari ko ay malapit na itong mangyari! Yan ang sabi ni Doc Ted!