Calendar

Erwin Tulfo patuloy na namamayagpag bilang Top 1 sa mga bagong survey
PATULOY na namamayagpag si ACT-CIS Representative Erwin Tulfo bilang Top 1 sa mga bagong surveys ng Social Weather Stations (SWS) at WR Numero.
Sa SWS Survey na isinagawa mula Pebrero 15 hanggang 19, nananatiling pinakamataas ang rating ng mambabatas na humakot ng 45% Voter Preference. Malayo ang lamang nito sa sumunod na kandidato sa kanya.
Samantala, sa WR Numero Survey na isinagawa mula Pebrero 10 hanggang 15, di na mapigilan ang pagiging angat ng dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa senatorial polls dahil nakakuha siya ng Voter Preference rating na 46.5% at 11.4% na lamang sa susunod na kandidato.
Isang consistent topnotcher si Erwin Tulfo na maliban sa pamamayagpag sa SWS at WR Numero ay nananatili rin na leading candidate sa mga bagong surveys ng Pulse Asia at OCTA.
“Lubos akong nagpapasalamat sa umaagos na suporta ng ating mga kababayan. Ang mga resultang ito ay bunga ng ating tuloy-tuloy na trabaho para maging boses at kakampi ng mga inaapi,” ani Tulfo.
Sa kabila ng matataas na ratings, batid din ni Tulfo na walang lugar ang pagiging kampante lalo na’t unti-unti nang papalapit ang May 2025 senatorial elections.