Escudero

Escudero nanawagan ng pagkakaisa, nangako ng suporta sa administrasyong Marcos

245 Views

NAGPAHAYAG ng matinding suporta ang nagbabalik sa Senado na si Sen. Francis Chiz Escudero sa bagong halal na pangulo na si Presidente President Ferdinand BongBong Marcos sa marami nitong adhikain kasama na ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Escudero napapanahon na aniya ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga PIlipino upang maiangat aniya ang ating bansa sa kinalulugmukan nitong sitwasyon.

Hinidi aniya maikakaila na matindi ang naging epekto sa ekonomiya ng bansa dahil sa pandemya at ang napakaraming problema kasalukuyan hinaharap ng bansa tulad ng pagtaas ng langis at presyon petrolyo.

Sinigurado ni Escudero na handa siyang ibigay ang lahat ng kanyang tulong at suporta sa administrasyon Marcos at sa kanyang mga kasama sa Senado upang maipasa ang hinihingi at nakabitin na budget para sa 2023 na umaabot sa P5.2-trillion upang mabigyan ng lunas ang napakaraming problema ng bansa pati na rin ang mga tulong na dapat ibigay sa maliliit na negosyo at problemang agrikultura na nag- ugat sa pandemyang dinanas ng bansa.

“Kailangan nating magtulung-tulong upang buhayin ang ekonomiya at maitaguyod ang tunay na kaunlaran para sa ating mga kababayan sa gitna ng napakaraming pagsubok na ating haharapin,” ani Escudero “Madalas ko ngang sabihin na dapat all hands on deck tayo para sa mabilis na pagbangon at pag-ahon.”

Si Escudero ay nagtamo ng 20. 27 million na boto sa mga Pilipino sa nakaraang May 9 na halalan. Siya ay nagbabalik na senador at nagsilbi bilang dating senador mula in 2007-2013 at 2013-2019.

Si Escudero na naging Gobernador ng Sorsogon ay nangako rin na bibigyan ng tuon ang mga problema sa Local Government Unit at magiging boses aniya siya ng maraming lokal na pamahalaan sa Senado upang maparating ang napakaraming problemang hindi nabibigyan ng pansin ng National.

Ayon kay Escudero, ang pagbibigay ng lakas at boses sa lokal ng pamahalaan ay nakasaad sa 1987 na Constitution at Republic Act 7160 o mas kilala bilang Local Government Code ng 1992.

“Kagaya nang aking naipangako, ipaglalaban ko at tatanggalin ko ang lahat ng mga balakid kaugnay sa tunay na autonomiya ng mga lokal na pamahalaan,” giit ni Escudero.

“Base sa aking karanasan bilang gobernador, maraming memorandum, circular at IRR ang inisyu ng DBM, COA, DILG at iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na kung saan tinalian nila ng kamay ang mga lokal na pamahalaan at hindi nakamit ang tunay ng autonimiya na nakasaad sa Saligang Batas,” dagdag pa ng Senador mula sa Bicol.