Martin

EU, ASEAN envoys dumalaw sa Kamara

74 Views

DUMALAW sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga ambassador mula sa European Union (EU) at Association of Southeast Asian Nation (ASEAN).

Sinalubong ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga ambassador.

Dumalaw ang mga ambassador bilang pagdiriwang ng ika-45 taong dialogue relation ng EU at ASEAN.

Inilungsad din sa Kamara ang ASEAN-EU Joint Photo Exhibition bilang bahagi ng selebrasyon.

Ayon kay Speaker Romualdez ang exhibit ay patunay ng tumitibay na relasyon ng dalawang regional bloc.