Goitia

‘Everyone’s temptation’

Jon-jon Reyes Nov 18, 2025
244 Views

Goitia1EVERYONE’S temptation.”

Ganyan kung ilarawan ng kilalang DJ at VMX sexy star na si Skye Gonzaga ang kanyang sarili matapos magpaandar ng kanyang hotness sa social media.

Tukso nga sa mga kelot ang pamatay na wangkata ni Skye sa isang Instagram post. Hindi nakatiis sa kanyang tease ang mga followers, kaya nang sipatin nila ang wangkata ng nasabing sexy star, walang mintis.

Nagulantang ang sangkalalakihan sa post ng hot actress kung saan makikita siyang rumarampa sa runway, idini-display ang kagila-gilalas na patakam.

“Turning the Viva Anniversary runway into my fantasy… and everyone’s temptation,” sey ni Skye sa caption ng post.

Angat ang sex appeal ni Skye sa suot na two-piece bikini. Halos lumuwa ang mata ng mga nasa opposite sex sa pagtitig sa magandang kurba niya sa camera.

Busog na busog ang netizens sa inihain ni Skye na rapsang body. Mababasa nga sa kanyang comment section ang mga papuri ng kanyang followers sa pasabog every time niyang karisma.

Napa-react pa nga ang kanyang mga kapwa sexy stars na sina Zsara Laxamana, Rica Gonzales, Alona Navarro, Ataska Mercado, at Denise Esteban.

Nitong 2024 lang ay naipamalas na agad ni Skye ang kanyang husay sa pag-arte nang mapabilang sa ilang proyekto ng VMX. Kabilang sa kanyang mga palabas ang ‘Baligtaran,’ ‘Triange,’ ‘Kiskisan,’ at ‘Ang Pintor at ang Paraluman.’