Bersamin2 Nanumpa si Stephen C. Cruz bilang chairman ng Board of Directors ng Philippine Postal Corporation kay Executive Secretary Lucas P. Bersamin PCO

Ex-CA justice Stephen Cruz itinalagang chairman ng Board of Directors ng PHLPost

Chona Yu Aug 29, 2024
88 Views

Bersamin3ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si dating Court of Appeals Justice Stephen Cruz bilang chairman ng Board of Directors ng Philippine Postal Corporation (PHLPost).

Pinangunahan naman ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang panunumpa sa tungkulin ng dating mahistrado ng appellate court.

Pinalitan ni Cruz si Mike Planas na naupo sa puwesto sa loob lamang ng tatlong buwan.

Nag-retro si Cruz sa Court of Appeals noong Agosto 2020.

Nagtapos si Cruz sa kursong abogasiya sa Ateneo de Manila University.

Bago pumasok sa CA noong 2006, nagsilbi si Cruz bilang Presiding Judge ng Branch 60 sa Lucena Regional Trial Court sa loob ng anim na taon.

Nagtrabaho rin si Cruz sa Legal Office ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. Bago naging Senior Associate Attorney sa Nazareno Law Office.