Calendar

Provincial
Ex-Lipa mayor PCUP chairman na
Chona Yu
Aug 29, 2024
298
Views
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si dating Lipa City Mayor Meynardo Sabili bilang Chairman ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP).
Nanumpa na si Sabili kay Executive Secretary Lucas Bersamin.
Ang PCUP ay nagsisilbing advisory body ng Pangulo upang maging boses ng marginalized communities sa pagbuo ng mga programa at polisiya para sa mahihirap.
Si Sabili ay nagsilbing mayor ng Lipa noong 2010 hanggang 2019.
Naging miyembro rin si Sabili ng Batangas Provincial Board 4th District mula noong 1991 hanggang 2001.
Nagsilbi rin si Sabili bilang Undersecretary ng Department of Human Settlements and Urban Development.
Lupa gumuho sa peryahan sa Cotabato, lalaki dedo
May 14, 2025