Ex-sexy star may cancer; ex-idol isinugod sa ospital

Aster A Amoyo Jun 26, 2024
100 Views

Dennis1ISANG mapagkakatiwalaang source ang nagparating sa amin ng balita na isinugod umano sa East Avenue Medical Center in Quezon City ang (dating) actor na si Dennis Da Silva at agad itong ipinaalam sa kanyang Kapuso actress daughter na si Faith da Silva.

Si Dennis ay naging bahagi ng dating youth-oriented program ng GMA, ang “That’s Entertainment” ng yumaong star builder at Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno. Naging build-up talent din siya ng Regal Films (now Regal Entertainment) kung saan siya nakagawa ng mga pelikula. Pero napariwara ang kanyang buhay nang ito’y malulong sa ipinagbabawal na gamot.

He is now serving a lifetime imprisonment for raping a 14-year-old girl na anak ng dati niyang kinakasama. Twenty-two years na siya sa loob ng kulungan matapos siyang maaresto nung taong 2002.

Bukod kay Dennis, nasa pagamutan din umano ang veteran actress na si Deborah Sun. May cancer naman ang isang dating sexy star. Ang mga ito ay nakarating sa kaalaman ni Sen. Robin Padilla na agad nagpaabot ng tulong sa mga ito.

Ruru nag-training sa martial arts

RuruRuru1Ruru2WE had a chance na makapanayam ang “Black Rider” lead star na si Ruru Madrid for our online talk show, ang “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel at hindi nito ikinakaila how thankful he is, una sa Itaas , pangalawa sa kanyang GMA family at sa lahat ng mga sumusuporta sa kanya at sa kanyang mga programa laluna ang “Black Rider” kung saan siya ang pangunahing bida at may pitong buwan nang namamayagpag sere.

Inamin ng 26-year old Kapuso matinee idol na bata pa umano siya ay pangarap na niyang maging isang artista at maging isang action star balang araw, pangarap na unti-unting natupad.

Ruru (Jose Ezekiel Misa Madrid in real life) was fourteen nang siya’y sumali talent reality show ng GMA, ang “Protégé” nung 2012 where he was among the runner-ups at dito niya nakilala ang kanyang yumaong manager, ang TV and movie director na si Direk Maryo J. de los Reyes.

Ayon kay Ruru, marami umano siyang natutunan kay Direk Maryo J.

“He would always remind that he is there to guide me pero kailangan ko raw tulungan ang sarili ko to be best sa lahat ng mga gagawin ko,” he shares.

“Nakaukit sa puso’t isipan ko ang mga pangaral ni Direk Marjo J. hanggang ngayon,” patuloy pa ni Ruru.

“Ang pagsali ko sa Protégé at tulong ni Direk Marjo J. ang naging stepping stone ko para mapunta sa industriyang ginagalawan ko ngayon,” dugtong pa niya.

“Of course, sobra po akong nagpapasalamat sa GMA management sa patuloy nilang pagtitiwala sa akin.”

Although marami nang serye ang nagawa ni Ruru sa bakuran ng GMA, it was only in 2022 nang mag-shine nang husto ang kanyang pangalan nang pagbidahan niya ang adventure, action-drama TV series na “Lolong” with him playing the lead role.

Dumaan man ng maraming pagsubok ang nasabing serye bago ito naipalabas sa ere, thankful si Ruru nang mag-rate nang husto ang program ana siyang naging daan para mabigyan siya na more challenging project in “Black Rider” na kanya ring pinagbibidahan.

Ang “Black Rider” lamang ni Ruru ang only primetime series na nakatapat ng serye ni Coco Martin sa ABS-CBN na nag-rate nang husto.

“I am not competing with anyone but myself,” aniya. “Kuya Coco is an idol and would love to work with him in a film project kung magkakaroon ng pagkakataon,” aniya.

Kahit matagal nang namayapa ang action and movie king na si Fernando Poe, Jr. ay kinalakihan umano niya ang mga pelikula nito.

Eight months ang ginugol ni Ruru sa iba’t ibang martial arts training bago niya sinimulan ang “Black Rider”. Karamihan umano sa mga eksenang pinapalabas ay siya umano ang gumagawa at bihira umano siyang magpa-double kahit sa mga delikadong action and fight scenes at sobra umano niyang ini-enjoy ang kanyang ginagawa.

“Matagal ko na itong pangarap might as well pagbutihan ko na,” diin pa nya.

Samantala, inamin din ni Ruru na ang kanyang kasintahang si Bianca Umali (na kapwa niya Kapuso talent) ang tanging babaeng gusto niyang makaama habambuhay.

Aminado siya na dumaan na rin umano sa maraming pagsubok ang kanilang relasyon and there were even times na sila’y nagkahiwalay (twice), pero doon lamang umano niya na-realize kung gaano kahalaga sa kanya si Bianca at ayaw na umano niya itong pakawalan.

Inabot ng isang taon ang first break-up nila at 8 months naman sa pangalawa.

“But we continue to talk kahit hiwalay na kami at doon lang namin na-realize na mahal talaga namin ang isa’t isa. Ngayon ay pareho naming pinangangalagaan ang relasyon namin,” deklara pa niya.

“Maybe, pareho na rin kami nag-mature,” aniya.

Sobra rin ang suporta ni Ruru kay Bianca lalupa’t ulila na itong lubos sa kanyang mga magulang.

Hindi ikinakaila ni Ruru na dumaan din umano siya sa depression at dumating pa sa point na gusto na umano niyang mag-quit sa showbiz kung hindi nag-click ang “Lolong” na kanyang pinagbidahan.

“Sa rami ng naging problema ng “Lolong” bago ito naipalabas, may mga nagsabi na kesyo jinx daw ako at kung anu-ano pang paninira na halos hindi ko nakayanan kaya binigyan ko ng ultimatum ang sarili ko. Pero laking gulat ko nang sabihin sa akin na mataas daw ang rating ng “Lolong”. Dun po ako nabuhayan ng loob na ipagpatuloy ang career ko,” pagbabahagi pa ni Ruru.

Magmula noon ay lalong na-inspire si Ruru na pagbutihin pang lalo ang kanyang trabaho. “Parati ko pong tsina-challenge ang sarili ko kapag may bago akong project,” aniya.

Isa sa mga pangarap ni Ruru ay mabigyan din niya ng sariling bahay at kabuhayan ang kanyang pamilya at malapit na itong matupad . Inako na rin niya ang pagpapa-aral sa kanyang mga kapatid.

Five years from now, he sees himself married at may sarili nang pamilya.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.