Romualdez

Ex-Speaker Romualdez handang harapin reklamong ihahain ng Ombudsman

Mar Rodriguez Jul 19, 2026
98 Views

NAKAHANDANG harapin ni dating House Speaker at kasalukuyang Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez ang anumang reklamo na nakatakdang ihain ng Office of the Ombudsman, ayon sa legal counsel ng dating Speaker na si Atty. Ade Fajardo.

Sinabi ni Atty. Fajardo na handa ang kanyang kliyente na harapin ang anumang reklamong maaaring ihain ng Ombudsman kaugnay ng isyu ng umano’y anomalya sa mga proyektong flood control.

Ayon kay Fajardo, wala umanong ebidensya laban kay Romualdez.

“Nakahanda si former Speaker Romualdez na harapin ang proseso. Pero talagang walang patunay o ebidensiya sa kanya tungkol sa flood-control anomalies. Wala pa pong preliminary investigation, nasa case build-up status po now,” pahayag ni Fajardo.

Iginiit nito na walang naging partisipasyon ang dating House Speaker sa paglalaan ng pondo at implementasyon ng mga flood control projects.

Hindi kapanipaniwala ang pabago-bagong testimonya ng mga tinatawag na bodyguards.

“Papaano mo naman aasahan at paniniwalaan ang kanilang salaysay na pabagu-bago at paiba-iba. K