Pascual

Export Development plan inaprubahan ni PBBM

145 Views

INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang Philippine Export Development Plan (PEDP) 2023-2028 na naglalayong palakasin ang pagpapadala ng produkto ng Pilipinas sa ibang bansa.

Sinabi ni Trade Secretary Alfredo Pascual na ang Export Development Plan ay binalangkas ng Department of Trade and Industry (DTI) alinsunod sa Export Development Act of 1994.

“And our proposal is actually in line with the Philippine Development Plan which was earlier released by the administration. This export development plan will capitalize on export growth opportunities considering market trends and the available or existing competencies in the Philippines among our industries,” ani Pascual.

“It seeks to undertake an industry development-centric approach to make the Philippines a major player in the global economy and achieve sustainable development goals,” sabi pa ng kalihim.

Inaasahan umano na lalagdaan ng Pangulo ang isang Memorandum Circular kaugnay ng PEDP na kakailanganin ng whole-of-government approach sa pagpapatupad nito.

Sinabi ni Pascual upang makapagpadala ng produkto sa ibang bansa, ang unang hamon umano ay lumikha ng produkto.

Mayroon umanong apat na industry cluster na tututukan ng PEDP—ang industrial machinery and transport; technology, media and telecommunications; health and life sciences; at ang mga pangunahing pangangailangan sa pagpapalakas ng ekonomiya.

Kailangan umanong tutukan ang produksyon sa bansa upang matiyak na mapupunuan ang kinakailangang suplay.

“Just to cite an example, there’s a big market for durian in China. We cannot cope with the required quantity,” dagdag pa ni Pascual. “In other areas, same thing… I mentioned gain development – we’re starting to do this software development but we need more skilled manpower. So, there is constraint in availability of skilled manpower. So, we have to address that constraint.”