Calendar

Fake news, hindi krimen nagdudulot ng takot sa taumbayan — Speaker Romualdez
KINONDENA ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagkalat ng mga pekeng balita at gawa-gawang krimen sa social media na nagdudulot ng takot sa publiko at sumisira sa progresong nakakamit sa pampublikong kaligtasan.
“‘Wag tayong maging tagapagsalita ng kasinungalingan. While real crime is going down, fabricated stories and scripted videos are spreading like wildfire online. Fear is being peddled for clicks and views. That’s not just irresponsible—it’s dangerous,” ani Speaker Romualdez.
Noong Martes, pinapurihan ni Speaker Romualdez ang Philippine National Police (PNP) sa mga nagawa nitong reporma sa ilalim ng administrasyong Marcos, na nagresulta sa pagbaba ng focus crimes gayundin ang mabilis na pagkaka-aresto ng suspek sa road rage shooting sa Antipolo City.
Kinilala niya ang mga repormang ipinatupad ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil gaya ng mas maayos na estratehiya sa pagpigil ng mga krimen, na nagbabalik ng tiwala ng taumbayan sa mga otoridad at pagpapakita na buhay at gumagana ang rule of law sa bansa.
Sa opisyal na datos ng PNP, nagkaroon ng 26.76 porsiyentong pagbaba sa focus crimes—mula sa 4,817 na kaso sa pagitan ng January 1 hanggang February 14, 2024, bumaba ito sa 3,528 sa kaparehong panahon ngayong taon.
Kabilang sa focus crimes ang pagnanakaw, robbery, panggagahasa, murder, homicide, physical injury at pagnanakaw ng motorsiklo at iba pang motor vehicle. Sa naturang mga kaso, pinakamalaki ang ibinaba ng mga kaso ng rape na nasa 50 porsiyento.
Batay naman sa year-on-year na datos, nasa 7.31 porsiyento ang ibinaba ng focus crimes o mula sa 41,717 na kaso noong 2023 ay bumaba ito sa 38,667 noong nakaraang taon.
“These are not just numbers. Every crime prevented is a life protected, a family spared. But these real gains are being drowned out by false narratives designed to stoke fear and mistrust,” ani Speaker Romualdez.
Babala ng lider ng 306 na miyembro ng Kamara, ang pagpapakalat ng mga video ng pekeng mga krimen at mga hindi maberipikang mga ulat ay nagaaksaya sa resources ng mga alagad ng batas, habang nakakasira din sa tiwala ng publiko sa sistema ng hustisya sa bansa.
“When people stage crimes just to go viral, they’re not just misleading the public—they’re mocking real victims and sabotaging police work,” ani Romualdez.
“It’s an insult to every Filipino who wants genuine peace and order,” diin niya.
Nanawagan ang lider ng Kamara sa social media users at content creators na magkaroon ng integridad sa kanilang ginagawa. Nagpaalala rin ito na ang kalayaan na magpahayag ay hindi dapat ginagamit sa pagpapakalat ng mga kasinungalingan.
“Social media is a powerful tool. But when it’s used to manufacture lies and sow panic, it becomes a threat to national stability,” wika niya.
“Freedom of speech does not mean freedom to mislead and deceive,” ipinunto ni Speaker Romualdez.
Binigyang-diin ni Speaker Romualdez ang pangangailangan ng kolektibong aksyon para mapanatili ang katotohanan at kaligtasan ng publiko.
“Kung gusto natin ng Bagong Pilipinas, kailangan tayong lahat ay maging bahagi ng solusyon. Maging mapagmatyag. I-report ang kahina-hinalang kilos,” aniya.
Ipinunto ni Romualdez na ang pagtingin sa isang bagay ay maaaring maging makapangyarihan gaya ng katotohanan.
“Our streets are safer. That’s the truth. But when fake crime content dominates social media, people are made to feel otherwise. We must not let lies erase the progress we’ve made,” sabi niya.
Muling tiniyak ng Speaker ang suporta ng Kamara de Representantes sa modernisasyon ng PNP sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., at iginiit ang kahalagahan ng kapayapaan at pagbibigay ng proteksyon sa katotohanan.
“Peace and truth must go hand in hand. You cannot preserve order if deception is what spreads. If we want a safe country, it must also be safe from lies,” ani Speaker Romualdez.
Una nang kinilala ni Speaker Romualdez ang mga pulis na agarang nakahuli kay Kenneth Alajar Bautista, 28-anyos, na siya umanong gunman sa Antipolo City road rage.
“Salamat sa inyong hindi matatawarang serbisyo at pagtupad ng buong katapatan at katapangan sa inyong tungkulin,” ani Romualdez na ang pinatutungkulan ay ang mga pulis na ginawaran ng PNP ng Medalya ng Kagalingan dahil sa kanilang natatanging pagtugon sa krimen.
Kabilang dito sina Police Lieutenant Orlando Santos Jalmasco, Police Chief Master Sergeant Ranel Delos Santos Cruz, Police Corporal Kaveen John Rubia Vea, Police Corporal Joeban Acosta Abendaño, Police Corporal Niño Cipriano Chavez, Patrolman Reylan Rivarez De Chavez, Patrolman Michael Keith Lalican Panganiban at Patrolman John Mark Bacli Manahan.