Calendar

Fake news laban kay Sec. Gibo pinalagan ng ARRAPI
NAGPAHAYAG ng mariing pagkondena ang mga kasapi ng Association of Reservists and Reservists Administrator of the Philippines (ARRAPI) kaugnay sa mga naglutangang alegasyon sa social media laban kay Department of National Defence (DND) Sec. Gilbert “Gibo” Teodoro, Jr. na ito ay isang dayuhan at kasalukuyang pinanghahawakan ang Maltese passport bilang lehitimong mamamayan ng Malta.
Naglabas ng official statement ang naturang grupo sa pangunguna ng Chairman nito na si Lt. Col. Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., kung saan ipinahayag nito na kahina-hinala ang pagpapalabas ng tinawag nilang fake news laban kay Teodoro kung saan kasalukuyang isinusulong nito ang mga pagbabago o “key forms” sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Dahil dito, nananawagan si Romero sa publiko na manatiling naka-pokus sa mga bagay na nakaka-apekto sa seguridad ng ating bansa sa halip na pagtuunan ng pansin ang mga pang-iintriga sa politika sa pamamagitan ng kumakalat na fake news laban kay Teodoro.
Pagbibigay diin pa ni Romero na ang kabuuang 7,000 miyembrong reservists ng ARRAPI ay solidong sumusuporta para sa liderato ni Teodoro kung saan tinukoy nito ang tinatawag na “unwavering commitment” ng naturang Kalihim para isulong at ipagtanggol ang kapakanan ng mga sundalo.
“Fake news has no place in democracy. We stand behind Secretary Teodoro and his mission to defend the Republic,” ani Romero.
Si Romero ay dating nagsilbing Kinatawan ng 1-PACMAN Party List group sa Kamara de Representantes at dati rin Chairman ng House Committee on Poverty Alleviation.