Collab ng BPPO, 7SAB pinalakas
Jul 10, 2026
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Calendar
Nation
Fake news peddlers ‘di dapat pansinin
PS Jun M. Sarmiento
Apr 5, 2026
324
Views
NAGBABALA si Sen. Risa Hontiveros sa publiko na huwag magpadala sa mga naglipana at mala wildfire na fake news peddlers at fake AI content na walang inatupag kundi magpakalat ng kasinungalingan laban sa kanya.
Sinabi ni Hontiveros na patuloy ang mga nasa likod ng fake news at fake AI content upang abusuhin ang atensyon ng publiko.
Ayon sa senador, sa halip na gumawa ng tama ay hindi tumitigil ang mga ito sa pagpapakalat ng maling nilalaman, kaya hindi dapat hayaang manaig ang kanilang mga kasinungalingan.
Nagpaalala rin si Hontiveros sa publiko na “overtime” na sa pagpapalaganap ng kasinungalingan laban sa kanya at sa kanyang tanggapan ang mga fake news peddlers.

