bro marianito

Fake news umiiral na noong panahon ni Jesus

222 Views

Huwag tayong magpaggamit para ipalaganap ang kasinungalingan (Mateo 28:8-15)

MARAMING tao sa kasalukuyan ang mas nalalabuan at nalilito kaugnay sa mga kaganapan sa ating lipunan dahil sa palasak na “fake news” at ang pagtatago sa tunay na katotohanan.

Kaya naman sa halip na maging malinaw para sa kanila ang isang isyu ito ay lalong nagiging magulo at komplikado dahil sa mga tao na sinasadyang ikubli ang mga tunay na pangyayari.

Matutunghayan natin sa Mabuting Balita (Mateo 28:8-15) ang pag-iral ng “fake news” kahit noon kapanahunan pa ng ating Panginoong Hesu-Kristo.

Nang muli siya mabuhay o resureksiyon nasaksihan ni Maria Magdalena ang katotohanang ito.

Matapos niya naratnan ang kuwebang pinaglibingan kay Kristo na wala duon ang bangkay nito at ang tanging nakita lamang niya ang mga telang ipinambalot sa katawan ni Jesus.

Papunta na si Maria sa mga Alagad upang ibalita ang pangyayari nang masalubong niya sa daan si Jesus.

Sinabi ng Panginoon sa kanila na sabihin nila sa mga Alagad na pumunta sila sa Galilea at doo’y makikita nila siya.

Ang ibig sabihin nito ay nakikita ng mga Alagad si Kristo na buhay at hindi ang Kristo na isang malamig na bangkay.

Iyan ang totoo at mabuting balita na nais ng ating Panginoon na maipaabot sa mga Alagad sa pamamagitan ni Maria Magdalena.

Subalit ang katotohanag ito ay tinangkang pagtakpan ng mga Punong Pari at mga pinuno ng bayan.

Matapos nilang suhulan nang malaki ang mga kawal na nagbabantay sa libingan ni Jesus para ilihim kung ano ang totoo at ipalaganap naman ang kasinungalingan.

Inutusan ng mga Punong Pari at mga pinuno ng bayan ang mga kawal na ipamalita sa mga tao na ninakaw ng mga Alagad ni Jesus ang kaniyang bangkay habang sila ay natutulog.

Batid ng mga Punong Pari, mga pinuno ng bayan lalong lalo na ang mga numero unong kritiko ni Jesus na mga Pariseo at Saduseo na mapapahiya sila sa mga tao dahil totoo pala ang lahat ng mga sinabi ni Kristo sa kanila.

Kaya napagkasunduan nila na itago ang katotohanan sa pamamagitan ng pagbusal sa bibig ng mga kawal kapalit ng malaking pera.

Sila ay walang pinagkaiba sa mga tao sa ating lipunan ngayon na natatakot din sa katotohan.

Kaya mas minamabuti pa nila ang manahimik at pilit na itago ang katotohanan tungkol sa kanila.

Maaaring nangangamba sila na baka hindi sila matanggap ng lipunan. Isang lipunan na masyadong mapanuri at mapanghusga.

Itinuturo sa atin ng Pagbasa na hindi tayo dapat matakot na ilantad ang katotohan dahil ayon nga kay Jesus, ang katotohanan ang siyang magpapalaya sa atin. (Juan 8:32)

Huwag tayong tumulad sa mga kawal na imbis na maging instrumento ng katotohanan ay nagpaggamit pa sila para pairalin at ipalaganap ang maling balita.

Mas kahanga-hanga pa nga ang ginawa ng dating aktor na si Rustom Padilla na ngayo’y Bibi Gandanghari. Matapos niyang ilantad na siya ay isang “homosexual”.

Hindi siya natakot ilantad ang katotohan at balewala sa kaniya ano man ang maging opinyon ng mga tao laban sa kaniya.

Hindi natin sinasabi na magladlad na rin tayo. Kundi ang maging matapang na isiwalat at maging tagapag-palaganap ng katotohanan at hindi ang kasinungalingan.

Manalangin Tayo:

Panginoon, tulungan mo po kami na maging intrumento ng katotohan at huwag nawa kaming matakot na isiwalat at tanggapin ang katotohan dahil ito ang tunay na magpapalaya sa amin.

AMEN