maroon Nag-dunk si University of the Philippines’ Zavier Lucero sa UAAP men’s basketball match laban sa Far Eastern University Sabado ng gabi sa Mall of Asia Arena. UAAP photo

Fighting Maroons nakasandal kay Fil-Am Lucero

Theodore Jurado Apr 11, 2022
290 Views

MAKARAANG matalo sa four-peat seeking Ateneo sa season-opener, may mga agam-agam kung magiging contender ang University of the Philippines sa UAAP men’s basketball tournament.

Binura lahat nito ni Zavier Lucero, kung saan inangat ng Fil-Am forward ang kanyang laro upang tulungan ang Fighting Maroons na pumangalawa sa likuran ng Blue Eagles sa first round.

Matapos ang 83-76 tagumpay kontra sa Far Eastern University Sabado ng gabi, napalawig ng UP ang kanilang winning streak sa anim, ang pinakamahaba magmula noong 2004, kung saan nagwagi rin anDiliman-based squad ng anim na sunod matapos ang 0-6 simula bago kapusin ang kanilang kampanya na makapuwesto sa Final Four.

Ang 6-1 marka ng Maroon ay siyang pinakamaganda nilang first round performance magmula noong nagkampeon sila noong 1986.

Hinahabol noon ng UP, ang 6-foot-6 na si Lucero at nagtala ng league-best 15.29 points, 8.29 rebounds, 2.0 steals at 1.9 assists bawat laro ngayong season.

Laban sa Tamaraws, bumuslo ang dating California State University Maritime Academy student-athlete ng career-high 27 points, bukod sa 12 rebounds, dalawang assists, at tatlong steals sa 32 minutong pagsalang para sa Maroons.

Nakakuha ng ‘MVP’ chants mula sa UP faithful na nanood sa Mall of Asia Arena, sinabi ni Lucero na maaga pa ito at mababale wala ito kung hindi makukuha ng koponan ang inaasama na titulo.

“It’s flattering but, as I said, we have one goal in this team. Everybody has the same goal. That’s what’s special about us. There are no individual accolades that are gonna make a difference if we aren’t able to do what we set out to do,” sabi ni Lucero.

“As long as we stay focused on our goal, I like where we’re at,” dagdag pa ng athletic forward mula sa Vallejo, California.

Hindi naging maganda ang umpisa ni Lucero sa UAAP laban sa Ateneo, kung saan tumipa lamang ang 22-year-old swingman ng dalawang puntos lamang sa 19 minuto na paglalaro.

Sa sumunod na anim na laro, nagpasiklab si Lucero, kung saan binigyan niya ng pag-asa na Maroons na makabalik sa pinakamalaking stage ng liga at makarating sa pedestal.

Tinutulungan rin siya ng mga kakampi upang mapaganda ang kanyang laro.

“I’m getting open looks more than some other guys, which is allowing me to be on the scoreboard. As far as I personally, I don’t do much on my own. I get set up by my guys a lot,” sabi ni Lucero.

“Whether it’s a screen like Carl (Tamayo) hit, he got my guy off that screen for the last three I hit, Maimai (Joel Cagulangan) is usually finding me in places. It’s just our team is really growing and our chemistry is growing and you can see it on our offensive end,” aniya.

Uumpisahan ng UP ang kanilang kampanya sa second round kontra sa National University, na 4-3 ay siyang unang winning first round record magmula pa noong 2016, sa alas-10 ng umaga bukas sa Mall of Asia Arena.

Tampok rin sa second round opener ang rivalry game sa pagitan ng Ateneo at La Salle – na sa pagkakataong ito ay may spectators – sa alas-7 ng gabi.

Pumapangatlo ang Green Archers sa 5-2, may isang laro ang layo sa Maroons.