sports Nakipagpulong si GAB Chairman Baham Mitra sa mga bagong opisyal ng VisMin Cup)

Fil-Basket at PSL, kumakatok sa GAB

287 Views

HINDI indikasyon na humihina ang karisma ng basketball sa pagalis ng Alaska sa PBA.

Nitong Martes, dumulog sa tanggapan ng Games and Amusements Board (GAB) – ang ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa ng professional sports sa bansa – ang pamunuan ng FilBasket at Philippine Super League (PSL) para pormal na hilingin sa GAB ang sanctioned para maging pinakabagong pro league sa bansa..

Pinakinggan at pinanood nina GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra at Commissioner Eduard Trinidad ang ang power-point presentation ng dalawang liga na kapwa nakasentro sa regional basketball development.

“We understand that not everybody can be accommodated in the PBA. It’s good that there are new and aspiring leagues that are taking the initiative to level the playing field for other athletes,” pahayag ni Mitra.

Sa pakikipagpulong sa GAB, personal na rin ang ginawang paghingi ng paumanhin nina FilBasket Chairman Buddy Encarnado at league co-founder at President Jai Reyes, hingil na negatibong isyu na idinulot nang hindi pagkakaunawaan sa isinagawang inaugural season ng Filbasket nitong Nobyembre sa Subic Bay Gynmasium sa Zambales.

Binalewala ng Fil-Basket ang ‘cease and desist order ng GAB dahil sa kawalan ng tamang permiso ng liga. Kalaunan, binalewala ng Office of the President (OP) ang naging kaganapan ng liga matapos katigan ang desisyon ng GAB.

“Let us now put aside the past and focus on how we can provide opportunities for many more players to earn a livelihood in basketball,” sambit Mitra.

Nakatakdang simulan ng Filbasket ang liga sa Marso 15 tampok ang 12 koponan, habang ang PSL ay naghahanda na rin para sa inaugural league sa Marso 18 sa Dipolog City, Zamboanga, tampok ang 10 koponan.

Sa pulong binigyan diin din ni Mitra ang ipinalabas na memorandum kamakailan batay na rin sa paglilinaw ng Commission on Election (Comelec) na nagbabawal sa mga pulitiko, kaanak at iba pang pangkat nito sa pakikilahok at pagbibigay ayuda sa mga koponan, liga at mismong mga players,

Ang PSL na isang regional league ay binubuo ng mga koponan na may partisipasyon sa mga Local Government Unit (LGU) at Party-list group tulad ng Dumper na siyang may-ari ng Davao Occidental squad.

Nitong Miyerkoles, dumulog din sa GAB ang bagong pamunuan ng VisMin Cup para ipaalam ang pagbubukas ng ikalawang season ng liga sa Marso 19 sa Cebu. Ni Edwin Rollon