BBM

First Couple binati ng Happy Heart’s Day mga may partner, nag-isa

Chona Yu Feb 14, 2024
80 Views

NAGPAABOT ng pagbati sa publiko sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos sa Araw ng mga Puso o Valentine’s Day.

Sa Facebook post ni Pangulong Marcos makikita na hinahalikan nito sa noo ang First Lady at may caption na ”Whether you’re celebrating love for yourself or for another, we wish you a Happy Heart’s Day!”

Habang sa social media post naman ni First Lady Liza, sinabi nitong “Ika nga nila…love conquers all.”

Matatandaan na noong werkend, nagpalabas ng video ang First Couple na nagbibigay ng payo tungkol sa relasyon at pagibig.

Nagbigay din ng payo si Pangulong Marcos kung gaano siya ka-dedicated na asawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng oras at panahon sa Unang Ginang sa kabila ng pagiging abala sa kanyang tungkulin.

Ibinahagi rin ng mag-asawa na ang Pangulo ang nagluluto sa bahay at nagde-date sila tuwing Miyerkules sa isang restaurant kapag maluwag ang kanilang schedule.