Calendar
First Lady LAM pinangunahan paglulungsad ng Lab For All caravan sa Central Luzon
PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta-Marcos ang paglulungsad “Laboratoryo, Konsulta, at Gamot para sa Lahat” (Lab for All) caravan sa Central Luzon.
Umabot sa 2,141 ang nabigyan ng libreng healthcare service sa programa.
Ayon sa Unang Ginang, ang “Lab for All” caravan ay kumakatawan sa pagnanais ng administrasyong Marcos na makapagbigay ng primary care services sa mga Pilipino.
“This is in keeping with what the President promised during his SONA last year. Sabi po niya, we must bring closer the medical services to the people and not wait for them to come to the hospitals and health centers. So, I’m here today to help the President fulfill his promise,” sabi ng First Lady.
Nanawagan naman si DILG Sec. Benhur Abalos sa mga lokal na pamahalaan na suportahan ang caravan.
“Napakaganda ng programang ito dahil inilalapit nito sa mga tao ang mga pangunahing serbisyong pangkalusugan,” sabi ng kalihim.