Mag-jowa magka-wavelength, bagay na bagay
Aug 9, 2026
Slay mama 10!
Aug 9, 2026
Calendar
Si First Lady Liza Marcos at ang anak na si Simon ay nanood ng concert ng Maroon 5 sa MOA Arena.
Nation
FL Liza Marcos, anak na si Simon naki-jam sa concert ng Maroon 5
Chona Yu
Jan 31, 2025
687
Views
NAKI-JAMMING si First Lady Liza Marcos at ang anak niyang si Simon sa concert ng Maroon 5 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Sa Instagram post ni First Lady Liza Marcos, sinabi nitong nag-bonding sila ng kanyang anak na si Simon.
“With son #2 who definitely Moves Like Jagger,” saad ng caption ng First Lady.
May hashtag pa ang First Lady na concert buddy at music lover.
Pinasikat ng Maroon 5 ang kantang “Moves Like Jagger”.
Matatandaang hindi ito ang unang pagkakataon na nanood ng concert si First Lady Liza Marcos.
Nasa Pilipinas ang Maroon 5 bilang bahagi ng Asia 2025 tour.
Bukod sa Pilipinas, may concert din ang Maroon 5 sa Indonesia, Thailand, Japan, Malaysia at Taiwan.
Exhibition ng mga Pinay nurse ginanap sa Chicago
Aug 9, 2026
Arnis competition sa mga rehiyon nais palawakin
Aug 9, 2026

