Marcos TULONG PALASYO – First Lady Liza Marcos namahagi ng hygiene kits sa mga PDL sa Quezon City Jail. Photo: Quezon City government

FL Liza Marcos nagpamahagi ng hygiene kits sa babaeng PDL sa QC bilang bahagi ng Tulong Palasyo Care Package

Chona Yu Oct 21, 2024
8 Views

AABOT sa 630 na hygiene kits ang ibinigay ni First Lady Liza Marcos sa mga babaeng persons deprived of liberty (PDL) sa Quezon City Jail dormitory.

Ayon sa pahayag ng Quezon City government, bahagi ito ng “Tulong Palasyo Care Package” na programa ni First Lady Liza Marcos.

Kahon-kahong hygiene kits ang ipina-deliver ni First Lady Liza Marcos sa Quezon City Jail.

Bukod dito, namigay rin ang First Lady ng filing cabinets, television at sound system na magagamit ng mga PDL sa kanilang mga aktibidad.

Nagpasalamat naman ang pamunuan ng Quezon City government at city jail kasama na si Warden Lourvina Abrazado sa tulong na ipinaabot ni First Lady Liza Marcos.

“Lubos na nagpapasalamat ang Quezon City Government at QC Female Dormitory Jail Warden JCInsp. Lourvina Abrazado kay First Lady Araneta-Marcos, sa pagkalinga sa mga Person Deprived of Liberty (PDL) ng QCJFD,” saad nito sa kanilang Facebook page.