Aquino Mga anak ni Kris Aquino na sina Bimby at Joshua bumisita kay First Lady Liza Marcos (courtesy: OFL)

FL Liza Marcos nagpasalamat sa pagbisita, pasalubong nina Joshua, Bimby

Chona Yu Jul 9, 2024
47 Views

BUMISITA sa tanggapan ni First Lady Liza Marcos sa Manila ang mga anak ni Queen of All Media Kris Aquino na sina Joshua at Bimby.

Base sa Facebook post ni First Lady Marcos, makikitang nakahawak pa ang mga anak ni Kris sa Unang Ginang.

“Thank you Bimby and Josh for dropping by. It was so nice to see you guys after all these years,” pahayag ni First Lady Marcos.

Sa hiwalay na Instagram post ni First Lady Liza, nagpasalamat ito sa mga pasalubong nina Bimby at Joshua.

“Thank you for taking time off to visit me, Bimby and Josh. Love my pasalubong,” saad ni First Lady Liza.

Agad naman na umani ng positibong reaksyon mula sa netizens ang post ng First Lady.

“An epitome of friendship and acceptance,” saad ng isang comment sa Facebook.

“The right time has come. Peace,” saad naman ng isang netizen.

Matatandaang naging magkatunggali sa pulitika ang pamilya Marcos at Aquino.