Calendar
![FL Liza Marcos](https://peoplestaliba.com/wp-content/uploads/2025/02/FL-Liza-Marcos1.gif)
FL Liza Marcos nasaksihan paglagda ng kasunduan ng PH, UAE
PERSONAL na sinaksihan ni First Lady Liza Marcos ang paglagda sa ilang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at United Arab Emirates sa sidelines ng World Governments Summit sa Dubai.
Kabilang sa mga sinaksihan ni First Lady Marcos ang pirmahan sa pagitan nina Justice Secretary Jesus Crispin Boying Remulla at Justice Minister His Excellency Abdullah Sultan bin Awad Al Nuaimi.
Ang mga kasunduan ay may kinalaman sa extradition, mutual legal assistance in criminal matters (MLAT), at transfer o paglilipat ng nasentensyahang indibidwal.
Ayon sa DOJ, ang mga kasunduang ito at nagpapakita ng pagtutulungan ng dalawang bansa na mapalakas ang legal cooperation at matiyak ang hustisya.
Samantala, napirmahan rin ang 𝘔𝘦𝘮𝘰𝘳𝘢𝘯𝘥𝘶𝘮 𝘰𝘧 𝘜𝘯𝘥𝘦𝘳𝘴𝘵𝘢𝘯𝘥𝘪𝘯𝘨 𝘰𝘯 𝘙𝘦𝘥𝘶𝘤𝘪𝘯𝘨 𝘗𝘭𝘢𝘴𝘵𝘪𝘤 𝘞𝘢𝘴𝘵𝘦 𝘓𝘦𝘢𝘬𝘢𝘨𝘦 𝘵𝘰 𝘵𝘩𝘦 𝘖𝘤𝘦𝘢𝘯𝘴 𝘪𝘯 𝘵𝘩𝘦 𝘗𝘩𝘪𝘭𝘪𝘱𝘱𝘪𝘯𝘦𝘴 sa pamamagitan ni DENR Secetary Maria Antonia Yulo-Loyzaga at opisyal ng UAE.
Ayon sa DENR, bahagi ito nang pagpapalakas ng aksyon laban sa plastic pollution.
Ang unang ginang ang dumalo sa World Governments Summit na layong isulong ang international cooperation at bumuo ng mga solusyon sa mga hamon sa hinaharap.