Liza

FL Liza Marcos, SP Chiz matagal nang magkakilala

Chona Yu Jun 14, 2024
34 Views

Wine video tinawanan lang ng Unang Ginang

TINAWANAN lamang ni First Lady Liza Marcos ang viral video kung saan makikitang uminom siya ng winde sa baso na hawak ni Senate President Chiz Escudero habang ginagawa ang Vin D’Honneur sa Palasyo ng Malakanyang.

Sa text message, sinabi ng Unang Ginang na pasado 10:00 ng umaga noong Hunyo 12, matapos batiin ang 82 ambassadors at iba pang international organizational representatives ay pumasok na sila ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Ceremonial Hall sa Palasyo.

Inakay aniya sila kung saan nakatayo si Escudero at House Speaker Martin Romualdez.

Sinabi pa ng Unang Ginang nang makita siya ni Escudero ay sinabihan siya nito na “Wow bilib din ako sa’yo, may energy ka pa after standing and smiling for over an hour at “I’m sure you could use a drink.”

Ayon sa Unang Ginang, tinawanan lang niya si Escudero at sinabing “You bet.”

“I laughed and said, “You bet.” And so I mischievously got his glass of champagne, took a sip and told him, “Eww hindi naman malamig ang champagne.” After that, I gave his champagne glass back to him and we both had a good laugh over that,” pahayag ng Unang Ginang.

Sa tingin ng First Lady umabot ang palitan nila ng usapan ng Senate President ng 10 segundo.

Ayon sa Unang Ginang, matagal na niyang kilala si Escudero simula pa noong noong law school days nila sa kung saan siya sa Ateneo nag-aral habang sa University of the Philippines naman nag-aral si Senate President.

“I’ve known Chiz since my law school days, he studied in UP and I went to Ateneo, we’ve been friends for like, forever. So whether I made him a waiter and or, he responded “like a gentleman,” is between us,” sabi ni First Lady Marcos.