Pic3 Source: PNA

Flashfloods, landslides sumalubong sa Bagong Taon sa NegOr

306 Views

NAANTALA ang mga biyahe sa ilang lugar sa Bindoy, Negros Oriental dahil sa flashfloods at landslides noong Enero 1, 2026.

Ayon kay Negros Oriental Police Provincial Office Director Police Colonel Criscente Tiguelo, dakong alas-3:00 ng madaling araw nagsimula ang flashflood sa Brgy. Poblacion na rumagasa sa iba’t-ibang barangay sa Bindoy.

Inagos ng baha ang iba’t-ibang debris mula sa mga kabundukan kasama ang ilang malalaking kahoy at bato.

Sa Brgy. Malaga, nagkaroon din ng landslide kaya’t natabunan ng putik at bato ang mga kalsada na naging sanhi ng pagsasara nito.

Apektado ng landslide ang mga biyahe patungong Dumaguete bukod pa sa matinding pinsala sa ilang bahay at coastal areas ng bayan.

Nagtulong-tulong ang mga ahensya ng gobyerno sa clearing operation para madaanan ang mga natabunang kalsada.

Walang naiulat na nasawi o nasaktan sa insidente.