Calendar

Flight ng mga eroplano na-cancel, na-divert dahil kay ‘Crising’
INIULAT ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pagkaantala ng mga biyahe ng eroplano noong Biyernes dahil sa masamang lagay ng panahon dahil sa bagyong Crising.
Nai-divert ang mga sumusunod na flights: GAP 296: Manila-Busuanga, bumalik sa Manila; DG 6055: Manila-Busuanga, bumalik sa Manila.
Cancelled naman ang mga sumusunod na flights: 5J 513: Manila-San Jose, 5J 514 San Jose-Manila, 5J 823 Manila-Virac, 5J 824 Virac-Manila, 5J 504 Manila-Tuguegarao, 5J 505 Tuguegarao-Manila, 5J 506 Manila-Tuguegarao, 5J 507 Tuguegarao-Manila, 5J 508 Manila-Tuguegarao, 5J 509 Tuguegarao-Manila, 5J 192 Manila-Cauayan, 5J 193 Cauayan-Manila, GAP 2962 Busuanga-Manila,GAP 2018 Manila-Cauayan, GAP 2019 Cauayan-Manila, PR 2932 Manila-Basco, PR 2933 Basco-Manila, PR 2688 Clark-Basco, PR 2689 Basco-Clark, DG 6080 Cebu-Masbate, DG 6081 Masbate-Cebu, DG 6113 Manila-Naga, DG 6114 Naga-Manila, DG 6117 Manila-Naga, DG 6118 Naga-Manila.
Maliban dito, nakapagtala rin ng 18 na kanseladong domestic flights at dalawang flight diversions noong Huwebes.
Sa kabuuan, aabot sa 4,229 na pasahero ang naapektuhan ng masamang panahon.
Pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kani-kanilang airline para sa rebooking o refund ng kanilang mga biyahe.