MPBL

Flores, nagpasiklab sa Muntinlupa

Robert Andaya Jun 10, 2024
222 Views

MULA NCRAA hanggang MPBL, hindi nagpa-awat si Alfred Flores.

Nagpakita ng kanyang galing si Flores upang pangunahan ang Muntinlupa sa 80-76 panalo laban sa Bacolod City of Smiles sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa Nueva Ecija Coliseum sa Palayan City kamakailan.

Matapos pangunahan ang Immaculada Concepcion College sa back-to-back NCRAA championships, nagpakitang gilas si Flores sa kanyang 21 points at six rebounds sa 23 minutes na paglalaro.

Si Flores, na napili ding MVP sa NCRAA, ay umiskor ng 14 puntos sa fourth quarter para sa Muntinlupa, na umakyat sa 4-8 sa overall team standings.

Nakatulong ni Flores si Juan Miguel Marcos, na may 19 points, six rebounds, three assists, two steals at two blocks para sa Cagers.

Bagamat na-outrebound sa buong laro, 41-51, bumawi ang Cagers sa mas magandang field goal shooting(43.8 to 39.7 percent) at free throw shooting (82.5 to 73 percent).

Ang Bacolod, na bumaba sa 1-11, ay nakakuha ng 16 points mula kay homegrown LA Casinilio, 14 points mula Jacob Galicia at 10 points mula Danny Marilao at Alfred Sedillo.

Sa ibang mga laro, pinabagsak ng Bataan Risers ang Imus Agimat, 93-61, at dinaig ng Nueva Ecija Rice Vanguards ang Zamboanga Master Sardines, 83-80, sa round-robin elimination phase ng 29-team tournament na itinatag ni Sen. MAnny Pacquiao bilang bahagi ng kanyang grassroots basketball devleopment program.

Nag-bida para sa Bataan sina Yves Sazon, na may 19 points sa 6-of-13 shooting sa 18 minutes; Jeff Santos, na may 13 points; Mitchelle Maynes, na may 12 points; Robbi Darang, na may 11 points; at Carl Bringas, na may 10 points.

Namuno sina Richard Popovic sa kanyang 18 points, three rebounds, three assists at two steals; Russelle Aniban sa kanyang 14 points; at Eugene Gonzales sa kanyang 10 points at six rebounds para sa Agimat

Sina Will Mcaloney and Emman Calo ang nagdala ng laban para sa Rice Vanguards sa kanilangn16 at 15 point

Ang Master Sardines naman ni coach Louie Alas ay nakakuha ng 24 points, five rebounds, four steals at three rebound sa 29 minutes mula kay Jaycee Marcelino.

Nakatulong din sina Rey Barcuma (12 points) at Renzo Subido (11 points),

Dadayo ang MPBL sa FilOil Flying V Centre sa San Juan, na kung saan maglalaban ang Bulacan at Marikina simula 4 p.m., Pasay at Valenzuela sa 6 p.m., at Rizal at San Juan sa 8 p.m.
Si PBA legend Kenneth Duremdes ang MPBL commissioner.

The scores:

Muntinlupa (80) – Flores 21, Marcos 19, Moralde 7, Cuevas 6, Batac 5, Bongay 5, Guiab 4, De Leon 4, Capacio 4, Buenaflor 3,Sl Sombero 2, Cabeguin 0, Vento 0, Arenal 0, Gonzales 0.
.Bacolod (74) — Casinillio 16, Galicia 14, Marilao 10, Sedillo 10, Ramos 7, Sabelina 5, Galit 4, Salcedo 4, Peromingan 2, Manalang 2, Solomon 0, Pastias 0, Ubalde 0, Pardo 0, Partosa 0.
Quarterscores: 19-10, 39-35, 58-57, 80-74.