Food packs

Food packs para sa ‘Kristine’ victims handa na

Chona Yu Oct 31, 2024
25 Views

HANDA na ang dagdag na family food packs para sa mga biktima ng bagyong Kristine, ayon sa Department of Social Welfare and Development.

Kumilos ang DSWD sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tiyaking walang biktima ng bagyo ang magugutom.

Sa special report, sinabi ni DSWD Undersecretary Diana Rose Cajipe na mayroong 2,0000 family food packs ang available sa Batanes at dagdag na 5,500 food packs na ibibiyahe sa probinsya sa oras na gumanda na ang lagay ng panahon.

“Right now, mayroon na po tayong nakasakay na 5,500 family food packs sa PCG vessel but hindi po kasi siya maka-diretso ngayon ng Batanes. Currently nasa Pangasinan na ‘yan,” pahayag ni Cajipe.

Nakikipag-ugnayan na ang DSWD sa Office of the Civil Defense (OCD) para ma-airlift ang mga family food packs.

“The moment na ibaba ang gale warning at makalipad po tayo definitely mag-start na po tayong magdagdag ng family food pack sa Batanes,” pahayag ni Cajipe.

Sa pinakahuling ulat ng PAGASA, namataan ang sentro ng Super Typhoon Leon sa 110 kilometers north northeast ng Itbayat, Batanes.

Nasa Signal No. 4 ngayon ang Batanes.