BBM1

Food stamp program popondohan hangga’t kailangan—PBBM

Neil Louis Tayo Jul 19, 2023
186 Views

LALAGYAN ng pondo ng gobyerno ang Food Stamp Program (FSP) hangga’t kinakailangan pa ito.

Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasabay ng paglulungsad ng pilot run ng programa sa Tondo, Manila noong Martes.

“In terms of funding, I think we will be able to sustain ito for as long as we need it,” ani Pangulong Marcos.

Habang unti-unting inaayos ang mga isyu para mabawasan ang pangangailangan ng ayuda mula sa gobyerno, sinabi ng Pangulo na mayroong mga pamilya na kailangang tulungan.

“Dahan-dahan sana maayos na natin ‘yung ibang sitwasyon para hindi na nangagailangan ng tulong. But there will always be an element na may kailangan pa rin,” sabi pa ng Pangulo.

Ang pilot phase ng FSP ay mula Hulyo 2023 hanggang Marso 2024. Aabot sa $3 bilyon ang inilaan ng Asian Development Bank (ADB) para rito.

Sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa mga economic manager upang matiyak ang pondo ng programa sa mga susunod na taon.

Ayon kay Gatchalian may inilaang P2.1 bilyon para sa Walang Gutom 2027: Food Stamp Program sa ilalim ng panukalang 2024 national budget.