Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

Foreign minister ng Japan dadalaw sa PH sa Enero 14-15

Edd Reyes Jan 10, 2025
15 Views

NAKATAKDANG bumisita sa bansa si Japanese Minister for Foreign Affairs Iwaya Takeshi sa Enero 14-15 matapos siyang imbitahan ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.

Nakatakdang magpulong sina Secretary Manalo at Foreign Minister Iwaya upang talakayin ang politikal, depensa, seguridad, ekonomiya at pagtutulungan sa pag-unlad, pati na ang kooperasyon sa isa’t-isa.

Magpapalitan din ng pananaw ang dalawang ministro kaugnay sa internasyonal at pag-unlad ng bawat rehiyon.

Sa gitna ng kumplikadong kapaligiran sa seguridad, inaasahan sa dalawang opisyal ang muling pagpapatibay sa pangako sa isa’t-isa na palawakin at palakasin pa ang alyansa ng dalawang bansa at samantalahin ang mga bagong pagkakataon para sa kooperasyon.

Noong Hulyo 2024, nilagdaan ng dalawa ang “Reciprocal Access Agreement” (RAA) na magpapatibay sa matatag na pag-aambag sa pagpapanatili ng seguridad at katahimikan sa Asia-Pacific.

Nakatakdang ipagdiwang ng Pilipinas at Japan ang ika 70-taon ng normalisasyon ng kanilang bilateral relations sa 2026.