Mabanta

FRANCO MABANTA, 4 NA IBA PA INILIPAT NA SA NBI DETENTION FACILITY SA MUNTILUPA CITY

Jon-jon Reyes May 8, 2026
15 Views

INILIPAT na ang naarestong Social media personality na si Franco Mabanta kabilang ang apat miyang kasamahan sa detention facility ng NBI sa Muntinlupa City matapos maaresto ang mga ito sa isinagawang entrapment operation ng noong Mayo 5, 2026.

Ang mga suspek ay dinampot ng mga ahente ng NBI dahil sa umanoy pangingikil sa isang mambabatas kapalit ng di pagpapalabas ng diumano’y mga videos tungkol sa anomalya sa flood control projects.

Si Mabanta ay founder at CEO ng Peanut Gallery Media Network (PGMN). Siya ay nagtangaka umanong mangikil sa biktima ng P300 million.

Samantala nanindigan si NBI Director Atty.Melvin Matibag na hindi set up ang pagkakahuli sa mga suspek at ito ay lehitimo na nakabatay sa ebidensiya

Sinabi rin ng kampo ng biktima na pangingikil ang ginawa ng grupo ni Mabanta at hindi trabaho ng mamamahayag.

“Andun naman kayo na mga media nung hinuli ang mga yan so u can answer kung sino yung tatlo? Mahirap naman yata yun na sabihin nilang set up ang nangyari. At it’s very unfair to the men and women ng NBI na nagtatrabaho ng maayos,” ani Matibag.

Itinturing naman ng NBI na person of interest sa isang anchor ng PGMN kaugany sa pangingikil sa biktima.

Isa sa hinahanap ng NBI ang PGMN anchor na si CJ Hirro bilang person of interest.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag kasama si Hirro sa reklamo kaya itinuturing na ngayong Person of interest

Dagdag ni Matibag, may ipinadala umanong video clip sa biktima kung saan makikitang andoon umano si Hirro.

“’Yung video na ginamit, siya ay naroroon kaya ipapatawag namin siya,” ani Matibag.