Frasco

Frasco dumalo UN Tourism 36th Joint Commission Meetings

Mar Rodriguez Jul 16, 2024
64 Views

Frasco1Frasco2Frasco3𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗻𝗮 𝗱𝗶𝗻𝗮𝗹𝘂𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗶 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗗𝗲𝗽𝘂𝘁𝘆 𝗦𝗽𝗲𝗮𝗸𝗲𝗿 𝗮𝘁 𝗖𝗲𝗯𝘂 𝟱𝘁𝗵 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗩𝗶𝗻𝗰𝗲𝗻𝘁 𝗙𝗿𝗮𝗻𝗰𝗼 “𝗗𝘂𝗸𝗲” 𝗗. 𝗙𝗿𝗮𝘀𝗰𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗯𝘂𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗨𝗻𝗶𝘁𝗲𝗱 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 (𝗨𝗡) 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝟯𝟲𝘁𝗵 𝗝𝗼𝗶𝗻𝘁 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗠𝗲𝗲𝘁𝗶𝗻𝗴𝘀 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗻 𝗘𝗮𝘀𝘁 𝗔𝘀𝗶𝗮 𝗮𝗻𝗱 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗮𝗰𝗶𝗳𝗶𝗰 𝗮𝗻𝗱 𝘁𝗵𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗻 𝗦𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗔𝘀𝗶𝗮.

Ayon kay Frasco, dinaluhan mismo ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. ang naturang okasyon na naglalayong mas lalo pang paigtingin o palakasin ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa iba’t-ibang bansa sa aspeto ng turismo.

Sabi ni Frasco, sa ginanap na event, tinatayang 31 bansa ang aktibong nakilahok sa pamamagitan ng kanilang mga delegates kabilang na dito ang affiliate members ng UN Tourism.

Pinapurihan naman nito ang kaniyang may-bahay na si Department of Tourism (DOT) Sec. Maria Christina Garcia Frasco dahil sa naging tagumpay ng idinaos na UN Tourism.

Paliwanag ni Frasco, hindi matatawaran ang ipinakitang pagsisikap ni Sec. Frasco para maging matagumpay ang pagho-host ng Pilipinas ng UN Tourism Commission Meeting at ang Regional Gastronomy Forum for Asia Pacific.