Sec Frasco Si Department of Tourism (DOT) Philippines Secretary Christina Garcia Frasco bilang isa sa mga panelist sa session kasama sina (mula kaliwa) Alexandra Burt, Co-founder at Proprietor ng Voyager Estate, Margaret River; Dale Tilbrook, May-ari ng Dale Tilbrook Experiences; David Burgess, CEO ng Miles Partnership; Department of Tourism Secretary Christina Garcia Frasco at moderator na si Anita Mendiratta, Chief Executive Officer ng AM&A sa 24th World Travel & Tourism Council (WTTC) Global Summit sa Perth, Australia.Si Department of Tourism (DOT) Philippines Secretary Christina Garcia Frasco bilang isa sa mga panelist sa session kasama sina (mula kaliwa) Alexandra Burt, Co-founder at Proprietor ng Voyager Estate, Margaret River; Dale Tilbrook, May-ari ng Dale Tilbrook Experiences; David Burgess, CEO ng Miles Partnership; Department of Tourism Secretary Christina Garcia Frasco at moderator na si Anita Mendiratta, Chief Executive Officer ng AM&A sa 24th World Travel & Tourism Council (WTTC) Global Summit sa Perth, Australia.

Frasco ibinida mga tagumpay ng PH turismo sa WTTC

Jon-jon Reyes Oct 13, 2024
46 Views

NAKIISA si Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco sa mga pandaigdigang lider sa 24th World Travel & Tourism Council (WTTC) Global Summit sa Perth, Australia noong Miyerkules.

Sinamantala ni Frasco ang pagkakataon na i-highlight ang mga nagawa ng Pilipinas sa food tourism, kabilang ang matagumpay na pagho-host ng UN Tourism Regional Forum on Gastronomy Tourism for Asia and the Pacific sa Cebu noong Hunyo.

“Ang dapat nating intindihin ang pagkain sa Pilipinas repleksyon ng ating pagka-Pilipino. Sa katunayan, lampas sa mga hi, hello, magandang umaga at magandang hapon.

Karaniwan na sa Pilipinas ang unang pagbati na: ‘Kumain ka na ba? Nikaon na ba ka?

Ang pagkain ang ating wika ng pag-ibig sa Pilipinas at ang pagkilala sa iba’t-ibang uri ng mga pagkain na lumaganap sa ating mga rehiyon sa bansa, ang ating Pangulo nag-utos na ang gastronomy tourism dapat maging bahagi ng ating Pambansang Plano sa Pagpapaunlad ng Turismo,” pagbibigay-diin ni Frasco.

Binigyang-diin ni Frasco ang Cebu Call to Action on Gastronomy Tourism, na lumabas mula sa UN Tourism Forum, na nagsasaad na ito nagsisilbing blueprint para sa culinary tourism development sa Asia-Pacific region.

Ipinunto din ni Kalihim Frasco na ang Pilipinas kasalukuyang gumagawa ng mga roadmap sa culture-based tourism, kung saan ang food and gastronomy tourism roadmap nakahanay para sa cultural at creative tourism.

Ayon sa DOT chief, ang plano ginagawa sa pamamagitan ng malawak na konsultasyon sa mga rehiyon at stakeholder upang matiyak na ito inklusibo hindi lamang para sa mga end-user kundi, higit sa lahat, para sa mga magsasaka, producer, lokal na artisan, chef at cook.

Binigyang-diin ni Secretary Frasco ang kahalagahan ng public-private collaboration.

“Sa tingin ko, ang partisipasyon at pagtutulungan ng gobyerno at pribadong sektor talagang napakahalaga sa kahulugan na kinikilala natin sa gobyerno ang ating tungkulin upang matiyak na tayo nagbubunga ng klima para umunlad ang turismo ng gastronomy,” pagbabahagi niya.

Tatlo sa mga nangungunang destinasyon ng Pilipinas ang lumitaw kamakailan bilang mga powerhouse sa turismo sa pagluluto.

Ang Angeles City kinilala bilang Asia’s Best Emerging Culinary City Destination sa World Culinary Awards, habang ang Bacolod City idineklara bilang Slow Food Hub para sa Asia Pacific.

Bukod pa rito, ang Iloilo City pinangalanang UNESCO Creative City for Gastronomy noong 2022 na lalong nagpapatibay sa posisyon ng Pilipinas sa pandaigdigang culinary map.

Ang WTTC Global Summit isang nangungunang internasyonal na plataporma na nagtitipon ng mga maimpluwensyang pinuno mula sa buong sektor ng paglalakbay at turismo upang isulong ang pakikipagtulungan at magbahagi ng mga insight sa hinaharap ng pandaigdigang turismo.

May temang ‘Sinaunang Lupain; New Perspectives,’ ipinakita ng 24th WTTC Global Summit ang mayamang pamana ng kultura at natural na kagandahan ng Australia.

Ipinakita din ang Perth bilang isang dynamic at cosmopolitan coastal city.