Frasco

Frasco pinangunahan ang road concreting project sa Danao City

Mar Rodriguez May 15, 2024
85 Views

FrascoFrascoFrascoMULING pinangunahan ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco ang “groundbreaking ceremony” sa Danao City para sa paglulunsad ng bagong road concreting project kabilang na ang pamamahagi nito ng cash assistance para sa Barangay Cahumayan at Taboc.

Sinabi ni Dy na ang road concreting project sa Cahumayan ay nagkakahalaga ng P2 million na inaasahang malaki ang maibibigay na pakinabang para sa mga residente ng Danao City para sa kanilang kabuhayan at negosyo.

Ipinabatid pa ni Frasco na pinangunahan din nito ang pagkakaloob ng mga cheke na naghahalaga ng P603,600 para sa isasagawang improvement ng barangay water system kasama na ang pagbili ng barangay service vehicle na nagkakahalaga ng P2.3 million.

Nagtuloy-tuloy pa ang hatid na serbisyo ng kongresista makaraang mamamahagi ito ng 600 sako ng semento para kay Barangay Captain Dino Sybico na umaabot ng P106,000 para naman sa concreting ng kanilang Barangay road.

Bunsod nito, pinasalamatan ni Kapitan Sybico si Frasco dahil sa ipinapamalas nitong malasakit para matulungan ang kaniyang mga kababayan sa nasabing barangay.