BBM1

Free trade agreement sa pagitan ng PH-Korea nilagdaan

133 Views

SINAKSIHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglagda sa Philippines-Korea Free Trade Agreement (PH-KR FTA), na inaasahang magpapalakas sa partnership ng dalawang bansa.

“Well, the signing of the FTA is certainly a very big step in that regard. It can only be a successful arrangement for both our countries. I look forward to the expansion of the trade agreement between your country and mine,” ani Pangulong Marcos.

Ginawa ang paglagda sa sideline ng 43rd ASEAN Summit sa Jakarta, Indonesia kung saan kapwa dumalo si Pangulong Marcos at South Korean President Yoon Suk Yeol.

“When I look at the involvement of Korea and the Philippines, I can say that the relationship between our two countries remains vibrant. And I think it is accelerating … I would like to take this opportunity to deepen further that relationship,” sabi pa ng Pangulo.

Umaasa rin si Pangulong Marcos na ang trade agreement ay hindi lamang maging government-to-government partnership kundi yumabong sa pribadong sektor.

Sinabi naman ni South Korean President Yoon Suk Yeol na ang PH-KR FTA ay isang mahalagang milestone sa relasyon ng Pilipinas at South Korea.

“I’m really also eager to elevate our partnership to a strategic partnership as we have proposed the last time. And in this regard, I believe that the Korea-Philippines Free Trade Agreement signed later today will set another important milestone in our bilateral relations,” sabi ni Yoon kay Pangulong Marcos.

Sinabi rin ni Yoon na pabor ito sa pagbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga overseas Filipino worker sa South Korea sa ilalim ng kanilang “employment permit system.”

Interesado rin umano ang South Korea sa pagpapalakas ng supply chain ng dalawang bansa sa mga critical materials lalo na at nais ng Pilipinas na magtayo ng mga nuclear power plant para maparami ang suplay ng kuryente.

Nagpasalamat din ang Pangulong Marcos sa South Korea sa pagsuporta nito sa Pilipinas sa isyu ng South China Sea at sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).