FIBA

‘From Courtside to Paradise’ program inilunsad ng DOT

Robert Andaya Jul 28, 2023
249 Views

FROM Courtside to Paradise.

Inilunsad ng Department of Tourism (DOT), sa pamumuno Sec. Christina Frasco, ang nasabing programa bilang pakikiisa sa nalalapit na 2023 FIBA Basketball World Cup mula Aug. 25-Sept. 10.

Ang programa ng DOT ay naglalayon na bigyan ang mga basketball fans na manonood sa FIBA World Cup ng pagkakataon na bumisita din sa 15 world-class destinations sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa pamamagitan ng mga travel packages mula Aug.1 hanggang Sept. 30.

“We see the FIBA Basketball World Cup 2023 as an opportunity to, first and foremost, re-introduce the Philippines to the world on the strength of its natural assets, award-winning destinations, and cities on the rise,” pahayag ni Sec. Frasco sa official launch kamakailan.

“This is also the time for Filipinos to come together to support the Philippine team, as well as a chance for citizens of the world to remember their sense of nationhood.”

Habang nagaganap ang mga aksyon sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City at SM Mall of Asia Arena sa Pasay, maaari na ding bisitahin ng mga basketball fans ang Bacolod, Batangas, Bohol, Boracay, Cavite, Cebu, Davao, Ilocos Norte and Sur, Iloilo, La Union, Manila, Palawan, Pampanga, at Tagaytay at maranasan ang makulay at masayang Filipino culture.

Inanunsyo din ni Frasco na may mga travel packages na ngayon patungkol sa “from courtside to paradise” program ang available na sa discoverphilippines.travel na kung saan credit cards, GCash, Maya, at GrabPay ang mga payment options.

We see these efforts are not only for love of sport, but we also see the value of their contribution to tourism,” dugtonh pa ni DOT Undersecretary and organizing committee chair Elaine Bathan.

“This is aligned with the direction of DOT to introduce the Philippines as a sports hub and venue for many other sports and sporting events.”

Ang mga tickets sa FIBA Basketball World Cup 2023 ay available na din sa ticketnet. com.ph para sa Smart Araneta Coliseum at smtickets. com para sa SM Mall of Asia Arena.