Calendar

Frustrated homicide suspects nahuli
NATIMBOG ng mga tauhan ng Manila Police District-Sampaloc police station 4 ang apat na magkakaanak dahil sa kasong frustrated homicide sa Juan Luna at Shaw Boulevard Sts., Brgy. Bagong Silang, Mandaluyong City noong Lunes.
Ayon sa report, magkasabwat sa krimen ang mga suspek na sina alyas Long Hair, 50; Marilou, 48; Mark, 26; at Chrisdel, 18.
Sa ulat ni Police Captain Richard Mansibang, hepe ng Station Investigation Division Management Section (SIDMS) kay Police Lieutenant Colonel Brillante Billaoac, station commander, dinampot ang mga suspek bandang alas-2:00 ng hapon sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Adolfo Lopez Jr., Presiding Judge ng Metropolitan Trial Court Branch 24 ng Manila.
Pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Article 249 ng Revised Penal Code (frustrated homicide) ang mga dinampot.