FVR

FVR stamps inilabas ng PhilPost

553 Views

FVR1

SA pagdiriwang ng National Stamp Collecting Month, isinapubliko ng Philippine Postal Corporation (Post Office) ang FVR Stamps bilang pagkilala kay dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Ang paglalabas ng stamp ay kasabay din ng pagdiriwang ng ika-255 anibersaryo ng Philippine Postal Service.

Pinasalamatan ni Postmaster General Norman Fulgencio ang pamilya ni Ramos sa pangunguna ng may-bahay nito na si Amelita “Ming” Ramos sa pagpayag na i-exhibit ng FVR stamp collection kasama ang iba pang memorabilia ng dating Pangulo.

Isinagawa ang exhibit sa lobby ng makasaysayang Manila Central Post Office building sa Liwasang Bonifacio noong Nobyembre 25.

Si FVR ay isa ring stamp collector ay siyang nagdeklara sa buwan ng Nobyembre bilang National Stamp Collecting Month sa ilalim ng presidential proclamation No. 494.

Ang dating Pangulo ay naging instrumento rin ng pagpapa-unlad ng Philately, ang pag-aral at pangongolekta ng mga stamp.

Hindi pisikal na nakadalo si Mrs. Ramos sa selebrasyon at ang dumalo upang kumakatawan sa pamilya ay ang anak na si Cristina.

“We are thankful to the Post Office for paying tribute to President FVR,” sabi ni Cristina. “The Ramos family is deeply honored for this recognition.”