GAB

GAB nanguna sa dasal para kapayapaan

Ed Andaya Mar 12, 2022
296 Views

PrayerPANALANGIN para sa kapayapaan at pagkakaIsa.

Isinulong ng Games and Amusements Board (GAB), sa pangunguna nina Chairman Abraham “Baham” Mitra at commissioners Eduard Trinidad at Raul Lagrisola, ang isang malawakang online inter-faith prayer for peace and reconciliation nitong nakalipas na Huwebes.

Inialay ang dasal sa panawagan ng kapayapaan sa buong mundo, lalo na sa nagaganap na digmaan ngayon sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Kasama sa nasabing panalangin ang mga sikat na atleta na gaya nina volleyball superstar Alyssa Valdez at esports champion Andreij Albar, at mga opisyales ng iba’t ibang GAB-sanctioned leagues, pati na ang mga empleyado ng nasabing government agency.

“It is good to know that our country’s sports heroes are the ones championing this call for peace. It is good to take at least a few minutes to pray for world peace,” sabi ni Mitra sa panayam ng People’s Taliba.

“Nakalulungkot na madami ang naaapektuhan ng kaguluhang nagaganap sa Russia at Ukraine, lalo na ang kani-kanilang mga atleta,” dagdag ni Mitra.

Una dito, nakiisa din ang GAB sa panawagan ng dasal para sa kapayapaan ng apat na malalaking boxing organizations sa mundo — World Boxing Council (WBC), World Boxing Association (WBA), World Boxing Organization (WBO) at International Boxing Federation (IBF).

“The four boxing governing organizations in the world join together to express their position with regards to the tragic war, which is taking place as Russia has invaded Ukraine,” said the statement.

“Just as the world claims for a cease of fire, our organizations have decided to not sanction any boxing championships in Russia. Just as this war has put a stop in boxing in Ukraine, our organizations will not sanction fights in Russia until further assessment of the situation.”

Nakalagda sa nasabing panawagan sina WBC president Mauricio Sulaiman, WBA president Gilberto Jesus Mendoza, WBO president Francisco Valcarcel at IBF president Daryl Peoples.