Gabby

Gabby excited sa walong concert nila ni Shawie sa US, Canada

Vinia Vivar Sep 18, 2024
9 Views

Sobrang happy at excited si Gabby Concepcion sa walong concert nila ni Sharon Cuneta sa US at Canada ngayong October at November.

Yes, ang very successful “Dear Heart” concert nina Gabby aT Sharon noong October 27, 2023 sa SM MOA Arena ay dadalhin na sa US at Canada.

They’ll be having shows on October 26 at Harrah’s Resort Southern California, October 27 at Saban Theatre in California, November 2 at The Meeting House in Canada, November 15 at Thunder Valley Casino Resort in Canada, November 17 at Westgate Las Vegas Resort & Casino in Las Vegas, November 21 at Club Regent Events Centre in Canada, November 23 at the Hawaii Convention Center in Honolulu and November 29 at the Chandos Pattison Auditorium in Canada.

Sey nga ni Gabby sa pocket presscon niya kahapon, maging siya ay nagulat sa dami ng kanilang shows.

“Nakakagulat nga, eh. This is my first time na makaka-experience ng ganito karaming shows,” aniya.

Doon na nga raw siya magdiriwang ng kaarawan sa November 5 pero walang celebration dahil nasa tour nga siya.

Matatandaan na dapat ay may part 2 ang “Dear Heart” last February dito sa Pilipinas at marami na nga ang nag-abang nito pero sa hindi malamang kadahilanan ay hindi ito natuloy.

Sa nasabing panayam ay ipinaliwanag ni Gabby kung bakit hindi ito natuloy.

“Ang mahirap sa lahat ay ‘yung orchestration ng show. Ang daming involved – venue, producers, mga musicians, artists. May kanya-kanya kasing schedule silang lahat. Eh, pagtutugma-tugmain mo sa isang araw. Napakahirap.

“Kaya hindi rin natuloy ‘yung February (concert), schedule lang talaga saka venue,” paliwanag ni Gabby.

Natanong si Gabby kung magge-guest ba uli ang anak nila ni Sharon na si KC Concepcion sa US and Canada shows dahil naroroon ito sa first concert last year.

“I was hoping, pero based on the schedule, parang wala sya do’n. It would be nice sana kung kasama siya,” sey ng aktor.

Biro pa niya, gagawin na lang niyang P.A. (personal assistant) si KC at isasama niya sa concert.

Nakumusta rin si Gabby sa friendship nila ni Sharon after the MOA concert at pag-amin ng aktor, “Well, hindi ko naman inaasahan, of course, na magiging tulad ng dati.

Pero at least, napag-uusapan namin, nag-uusap na rin kami about certain things na hindi namin napag-uusapan noon.”

Basta sey ni Gabby, looking forward siya na mag-enjoy sa kanilang US and Canada tour at sana raw ay mag-enjoy din ang mga manonood.