Calendar
Gabby nilinaw mga post sa IG: Enjoy the video
Nilinaw ni Gabby Concepcion na wala siyang pinatatamaan sa sunod-sunod na post sa Instagram.
May reels kasing ipinost ang aktor na may mga quotation na nakasaad at base sa reaksyon ng netizens, parang sure na sure sila kung sino ang pinahahagingan nito.
Sa isang video ay nakasaad na, “I don’t walk away to teach anyone a lesson. I walk away because the lesson was for me. When to leave, when to stop fighting, when to choose yourself, that’s the real power. And sometimes. . walking away is the loudest statement of all.”
Komento ng isang netizen, “Here we go again bakit ba palagi nalang po kayo nauuwi sa ganito mama babe @reallysharoncuneta papiiii @concepciongabby akala po namin nagkausap at nagkaunawaan na po kyo?? bakit may ganito na nanan po nangyayari Napakasakit Talaga Kuya Eddie- ShagabNation.”
Sa isang video naman ay may quote na ganito: “Never trust a person who let you down more than two times. Once was a warning. Twice was a lesson. Anything more than that is simply taking advantage.”
Komento naman dito ng isang netizen, “dont worry sir pogi @concepciongabby sau kami @reallysharoncuneta na feel ko ung feeling ni sir pogi na feel down sa post na proud sa mga exes na nasa politics and never nagpost na naging proud sia kay sir pogi @concepciongabby.”
May iba pang post si Gabby about staying away and losing respect for someone.
Sa kanyang caption ay tinawanan ni Gabby ang mga netizen na nag-iisip na may specific tao siyang tinutukoy.
“Hahaha! Nakakatuwa naman kayo. This is not for who you think it is,” paglilinaw ng aktor.
Paliwanag pa niya, “Just sharing videos. Enjoy the video if it applies to you or if you can relate. Stay strong everyone.”
In-assure rin niya ang followers and fans na walang dapat ipag-alala.
“Solid tayo! Don’t worry,” ani Gabby.