Brosas

Gabriela solon kay Duterte: Ikaw muna ang bumukod, sumuko ka na sa ICC

245 Views

BINATIKOS ni House Assistant Minority Leader at Gabriela Rep. Arlene Brosas si dating Pangulong Duterte sa pagsusulong nito ng isang “separate and independent Mindanao”.

Ani Brosas, ginagamit lamang ito ni Duterte para malihis ang isyu mula sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa kanyang war on drugs.

“Ang mensahe ko kay former President Duterte, siya na muna ang bumukod sa Pilipinas. Sumuko na siya sa ICC at tigilan na niya ang mga pakulo niya para iwasan ang mga pananagutan niya sa taumbayan, lalo na sa mga biktima ng extra-judicial killings,” sabi ni Rep. Brosas

Para kay Brosas, hindi dapat gamiting sangkalan ng dating Pangulo ang Mindanao gayong wala naman itong malaking naiambag dito para sa suportahahan ang karapatan ng mga taga-Mindanao sa pagpapasya ng sarili nilang kapalaran.

“We support Mindanao’s fight for self-determination but not the one being proposed by Duterte, which is driven by self-interest. Noong panahon niya, talamak ang patayan at paglabag sa karapatang pantao. Siya pa nga mismo ang nagpataw ng Martial Law sa Mindanao at nagpasara ng mga paaralan ng lumad, kaya wag siyang umastang may pakielam siya sa kalayaan ng ating bansa,” saad ni Brosas

Kaisa aniya ang Gabriela Women’s Party sa mga biktima ng war on drugs ni Duterte at hinimok ang mga Pilipino na isulong ang pagkamit sa hustisya at pagpapanagot sa kanila.