Romero

Game fixing nais puksain

Mar Rodriguez Nov 27, 2022
253 Views

BAGAMA’T nananatiling alingasngas at wala pang kumpermasyon ang napapabalitang “game fixing” sa iba’t-ibang larangan ng Philippine Sports. Seryoso naman ang 1-PACMAN Party List sa Kongreso na wakasan at tuluyan ng puksain ang nasabing modus-operandi.

May katotohanan man o wala ang di-umano’y kalakaran ng “game fixing” partikular na sa basketball. Desidido pa rin si 1-PACMAN Party List Cong. Michael “Mikee” L. Romero na tuluyan ng sawatain ang “game fixing” na dumudungis aniya sa imahe ng Philippine sports.

Isinulong ni Romero ang House Bill No. 821 sa Kamara de Representantes na naglalayong paigtingin at magkaroon ng mabigat na parusa laban sa sinomang indibuduwal o grupo na sangkot sa game fixing. Ang naturang modus ay nangyayari sa amateur at professional basketball.

Ipinaliwanag ni Romero nakakatanggap siya ng ilang impormasyon kaugnay sa talamak na game fixing sa Philippine Sports. Kung saan, ang isang manlalaro o atleta ang pinupuntirya kapag hindi nito sinunod ang napagkasunduan batay sa konsepto ng “game fixing”.

Sinabi ng kongresista na sa kabila ng mga balita at pangyayari kaugnay sa game fixing. Nananatili parin namamayagpag ang ilang indibiduwal at grupo sa nasabing modus-operandi. Sapagkat wala pang umiiral na batas upang sila’y papanagutin o maparusahan.

Dahil dito, binigyang diin pa ni Romero na bunsod ng maling kalakaran ng gane fixing sa Philippine Sports. Hindi aniya nagkakaroon ng tinatawag na “fair play” sa mga sports events dahil sa panghihimasok ng mga grupo na nais maging paborable sa kanila ang resulta ng isang laro.

“Despite circumstances that would point to game fixing as a reality in sports. Legislation has yet to deal severely with reprehensible act which most definitely affects adversely the competitive spirit of Filipino sports. In this regard, this bill seeks to expand the elements and act constituting the crime of game fixing and prescribe stiffer penalties,” ayon kay Romero.

Sinabi pa ng mambabatas na dahil sa pagkakaroon ng game fixing sa Philippine Sports. Nawawala na ang magandang layunin nito dahil sa halip na maging isang kompetisyon ay namimistulang isang uri na ito ng sugal na nais pagkakakitaan ng ilang indibiduwal o grupo.