Calendar
Provincial
Gamer pinagbabaril habang naglalaro, game over
Jojo Cesar Magsombol
Jul 7, 2024
401
Views
ISANG lalaki na diumano’y may mga kaso ng pagnanakaw ang pinagbabaril ng hindi nakikilalang salarin habang naglalaro ng video games sa Sitio Old Boso-Boso, Brgy. San Jose, Antipolo City kamakalawa.
Nabatid sa imbestigasyon na naglalaro sa computer shop dakong alas-8:45 ng gabi ang biktimang si Ricardo Recto alyas Roberto at alyas Cardo nang biglang dumating ang suspek at walang sabi-sabing pinaputukan ng ilang beses ang biktima na namatay agad.
Tumakas ang salarin patungo sa hindi natukoy na lugar bitbit ang baril na ginamit.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang apat na basyo ng bala ng kalibre. 45 isang slug ng parehong kalibre, sling bag at isang kaha ng sigarilyo.
Ayon sa pulis, naaresto ang biktima dahil sa pagnanakaw noong 2022.
Nanghoholdap ng Bumbay tiklo sa parak
Apr 19, 2026
Mahigit P2.5M shabu nakumpiska sa drug suspek
Apr 19, 2026
Bihirang Palawan Leopard Cat ibinalik sa gubat
Apr 19, 2026

