Garcia balik Comelec

272 Views

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Atty. George Erwin Garcia bilang chairperson ng Commission on Elections (Comelec).

Si Garcia ang mananatili sa posisyon hanggang sa Pebrero 2, 2029. Siya ang pumalit kay Saidamen B. Pangarungan na hindi kinumpirma ng Commission on Appointment (CA) noong nakaraang Kongreso.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ipinadala ni Marcos ang pangalan ni Garcia sa CA.

“The president has appointed Mr. George Erwin Garcia as Chairman of the Commission on Elections. He has submitted Mr. Garcia’s name to the Commission on Appointments as required by law,” sabi ni Cruz-Angeles.

Samantala, nangako si Garcia na magpapatupad ng mga reporma sa Comelec upang matugunan ang mga isyu sa halalan at titiyakin na ang kalooban ng publiko ang masusunod.

“Under my watch, the Comelec will aim for meaningful reforms that will resolve issues identified by stakeholders and the voting public. These will include structural reforms that will strengthen good governance founded on accountability, transparency, and integrity,” sabi ni Garcia.

Noong Marso, itinalaga ng noon ay Pangulong Rodrigo Duterte si Garcia bilang commissioner ng Comelec.

Nabigo ang CA ng 18th Congress na kumpirmahin ang kanyang appointment kaya siya ay naalis kasama sina Pangarungan at dating Comelec Commissioner Aimee Torrefranca-Neri.