DFA Taos-pusong nagpapasalamat ang mga Bataan officials sa pangunguna ni Gov Joet S Garcia, ikalima sa kanan, sa DFA sa pangunguna nina DFA Sec. Enrique Manalo, DFA Asec. Adelio Angelito Cruz, DFA Dir. Conrado Demdem Jr., dahil sa bagong itinayong Consular office ng DFA. Kasama sa larawan sina Congressman Abet Garcia, Vice-Governor Cris Garcia at mga department heads. Kuha ni CHRISTIAN D SUPNAD

Garcia nagpasalamat sa DFA sa pagbukas ng konsulado sa Bataan

Christian Supnad Nov 16, 2024
11 Views

THE BUNKER, Bataan–Nagbukas na ang Consular Office ng Department of Foreign Affairs dito sa Balanga, Bataan noong Nobyembre 15 sa ikatlong palapag ng The Bunker.

Sinabi ni Gov. Joet Garcia na malaking hakbang ang bagong tanggapan upang mas mapadali ang pagproseso ng pasaporte, mga dokumento at iba pang serbisyong konsular para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs), mga kababayan at maging sa mga taga-karatig na probinsya.

Simula sa Nobyembre 18, bukas na upang tumanggap ng mga walk-in clients ang consular office.

Sa Nobyembre 15, maaari nang mag-apply para sa iba pang serbisyo sa pamamagitan ng Online Appointment System ng DFA.

“Taos-pusong pasasalamat po sa DFA sa pangunguna nina DFA Sec. Enrique Manalo, DFA Asec. Adelio Angelito Cruz, DFA Dir. Conrado Demdem Jr., Congressman Abet Garcia, Congresswoman Gila Garcia, Congresswoman Geraldine Roman, Congressman Jett Nisay, Vice-Governor Cris Garcia at ating mga kapwa lingkod bayan na nagtulong-tulong upang maisakatuparan ang proyektong ito,” ani Gov. Garcia.