Garin

Garin itinanggi ulat na may pinal na senatoriables na Alyansa ng Bagong Pilipinas

85 Views

ITINANGGI ni Deputy Majority Leader Janette Garin ang ulat na mayroon nang pinal na listahan ng mga senatorial candidates na susuportahan ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas, ang alyansang binuo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. at iba pang mga kaalyadong partidong pulitikal.

“Sa pagkakaalam namin, wala pang final na pinag-uusapan. Yes, there were discussions among political party leaders and names were recommended and put forward, but this is just the first step,” ayon kay Garin.

“The next step will be consultations among members, officers of various political parties and the decision will rest on what the majority believes and, of course, the clearance from our President and leaders of political parties,” dagdag pa nito.

Ayon kay Garin, “fake news” ang listahang umiikot sa social media na sinasabing nagmula sa mga lehitimong media sources.

“In other words, baka kuryente yung lumabas kasi sa pagkakaalam namin ay wala namang final pa na napag-usapan,” giit ni Garin.

Ang Alyansa para sa Bagong Pilipinas ay pinamumunuan ng partido ni Pangulong Marcos Jr., ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP), kasama ang Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), Nationalist People’s Coalition (NPC), Nacionalista Party (NP), at National Unity Party (NUP).