Garin

Garin nagbabala tungkol sa masamang epekto ng gluta drip

Mar Rodriguez Mar 10, 2024
186 Views

SA GITNA ng napakaraming Pilipino ang “beauty conscious” at nahuhumaling sa mga produktong pampaganda at pampaputi. Nagbabala ang isang Visayas Congresswoman tungkol sa masamang epekto sa kalusugan ng kinalolokohang glutathione o mas kilala bilang “whitening drip”.

Nagbigay ng babala sa publiko si House Deputy Majority Leader at Iloilo 1st Dist. Congresswoman Janette L. Garin, dating Health Secretary, patungkol sa negatibong epekto na maaaring idulot ng glutathione sa katawan.

Ipinaliwanag ni Garin na ang pagkakaroon ng maputing balat ang epekto ng overdose ng glutathione. Kung saan, ito ang nagiging sanhi para madaling kapitan ng sakit tulad ng cancer ang isang taong nagpapalagay nito.

“You will only have a fair and whiter skin if you get in excessive doses. Iyan po ang epekto ng overdose ng glutathione. Is it beneficial? Sa iyong resistensiya. Yes, however, kapag ikaw ay hindi natingnan ng maayos ng doktor at ito pala ay bawal sayo, posibleng magkaroon ka ng cancer,” babala ni Garin.

Sinabi pa ni Garin na sa pamamagitan ng pagpapalagay o kaya ay pagpapaturok ng glutathione sa katawan ng isang tao. Hinaharang nito ang pigment cells ng isang tao na nagiging dahilan para siya ay maging prone sa cancer. Habang karamihan sa mga mapuputi dulot ng glutathione ay mayroong cancer.

“Dahil hinaharang niya iyong pigment cells, nagiging mas prone ka sa cancer. Yung mapuputi, madam isa kanila ang may cancer dahil hinaharang ng gluta ang melamin na siyang protection o parang bubong na nag-aabsorb ng radiations. Ang glutathione ay immune booster,” paliwanag pa ng mambabatas.

Ayon pa sa kongresista, ang glutathione ay isang immune booster na ginagamit ng isang cancer patient habang siya ay sumasailalim sa “chemotherapy”. Sapagkat bumabagsak ang kaniyang resistensiya. Nagbibigay aniya ng malakas na “antioxidant” ang gluta para hindi mahawa ng sakit ang isang pasyente.