Garin1

Garin naninindigan na palayasin POGO sa PH

Mar Rodriguez Sep 17, 2022
176 Views

NANININDIGAN ang isang congresswoman sa kaniyang naging pahayag na dapat ng palayasin at ma-ban sa Pilipinas ang Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) bagama’t ipinagmamalaki ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na malaking revenue ang nakukuha ng gobyerno mula dito.

Nauna rito, binigyang diin ni Iloilo 1st Dist. Cong. Janette L. Garin, Vice-Chairman ng House Committee on Appropriations, na panahon na upang palayasin at ma-ban sa bansa ang POGO dahil ito aniya ang pinag-uugatan ng sunod-sunod na krimen ang isang hakbang para tuluyan ng tuldukan ang t iba’t-ibang illegal activities na kinasasangkutan mismo ng mga Chinese nationals.

Umabot sa puntong nananawagan si Garin sa mga kapwa kongresista at maging sa mga Senador na gumawa o bumalangkas ng isang hakbang para tuluyan ng tuldukan ang pananatili ng POGO sa Pilipinas dahil sa kaguluhan at takot na inihahasik nito sa bansa.

Sa kabila ng naging pahayag ng PAGCOR hindi dapat paalisin at ipatigil ang operasyon ng POGO sa bansa dahil malaki ang pakinabang na nakukuha ng pamahalaan mula dito.

Subalit naninindigan parin si Garin na hindi aniya sapat ang sinasabi ng PAGCOR na malaking kita mula sa POGO kung ang kapalit naman nito ay buhay ng maraming biktima dahil sa mga pagdukot, pagpatay, kidnapping at iba pang illegal na gawin na kagagawan mismo ng mga Chinese nationals na nagdudulot lamang ng takot sa mamamayan.

Iginigiit ni Garin sa PAGCOR na pahahalagahan at uunahin pa ba nila ang makaking kita. Kung sa kabila ng malaking revenue ay nalalagay naman aniya sa panganib ang buhay ng maraming biktima at itinataboy din nito ang malalaking negosyante na umalis ng Pilipinas dahil sa malaking takot at pangamba sa seguridad ng bansa.

Inihalimbawa ng Iloilo Lady solon ang naging operasyon kamakailan ng Philippine National Police (PNP) Anti-Kidnapping Group sa Angeles City, Pampanga. Kung saan, 42 Chinese nationals na biktima ng human trafficking ang kanilang nasagip.

“Kung titignan at pag-aaralan nating mabuti. Kumikita nga tayo mula sa POGO dahil sa malaking revenues, pero isipin mo, itinataboy naman nito ang mga malalaking negosyante palabas ng bansa dahil sa takot at unsafe ang ating seguridad. Sa tingin niyo ba ay malaki parin ang pakinabang natin dito sa POGO?” sabi ni Garin.

Ipinahayag ni Garin na ang serye ng kidnapping, pagdukot at pang “illegal activities” na kinasasangkutan mismo ng mga Chinese nationals dahil sa POGO ang nagiging dahilan upang unti-unting magpulasan sa Pilipinas ang mga malalaking foreign investors at mga big time na negosyante.