Calendar

Gas bubulusok ng P3/litro, diesel P5/litro
NAKAAMBA ang pagbulusok ng hanggang P5 kada litro ng diesel, P3 kada litro ng gasolina at P4.50 sa kerosene sa susunod na linggo.
Ito ang kalbaryong naghihintay sa publiko na isiniwalat ni Assistant Director III Rodela Romero ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy (OIMB-DOE).
Ayon sa technocrat, ito ang maaaring price level adjustment kung ibabatay ang saktong halaga ng itataas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa pinakahuling kalakaran ng langis sa pandaigdigang pamilihan noong Biyernes.
Sa apat na araw na kalakaran ng langis sa pandaigdigang pamilihan mula Lunes hanggang Huwebes tinatayang tataas ang presyo ng diesel ng mula P4.30 hanggang P4.80 kada litro, P2.50 hanggang P3.00 kada litro ang gasolina at P4.25 hanggang 4.40 kada litro ang kerosina.
Pinangangambahan na tataas pa ang naturang halaga sa pagtatapos ng trading araw ng Biyernes bunga na rin ng patuloy na kaguluhan sa pagitan ng Iran at Israel.